VA Real Estate Board — VA

Nagkaloob ang Komonwelt ng Pinakamalaking Bayad-Pinsala sa Kasaysayan Kaugnay ng Makasaysayang Resolusyon sa Patas na Pabahay

Nagkaloob ang Komonwelt ng Pinakamalaking Bayad-Pinsala sa Kasaysayan Kaugnay ng Makasaysayang Resolusyon sa Patas na Pabahay

RICHMOND, VA — Nakiisa ang Virginia Fair Housing Office sa Tanggapan ng Pangkalahatang Piskal (Office of the Attorney General) noong Set. 2 upang gunitain ang pinakamalaking indibidwal na bayad-pinsala na naigawad kailanman sa isang kaso ng patas na pabahay sa Komonwelt.

Ipinagkaloob ang mga bayad-pinsala sa mga pamilyang nakaranas ng diskriminasyon sa lahi sa isang lubhang naisapublikong insidente noong 2020 sa Lazy Cove Campground malapit sa Smith Mountain Lake.

“Binibigyang-diin ng mga matagumpay na kinalabasang ito ang dedikasyon ng Kagawaran ng Propesyonal at Okupasyonal na Regulasyon (Department of Professional and Occupational Regulation) sa pagpapatupad ng mga proteksyon sa patas na pabahay at pananagutin ang mga sangkot sa diskriminasyon sa pabahay sa Virginia,” sinabi ni Liz Hayes, Direktor ng Virginia Fair Housing Office. “Higit sa lahat, ipinapakita ng mga kasong ito na ang mga indibidwal na nakararanas ng diskriminasyon ay maaaring maghanap ng hustisya at makabuluhang mga lunas. Nililinaw ng malaking halaga ng bayad-pinsalang nakuha para sa mga pamilyang ito na ang diskriminasyon sa pabahay ay may mabibigat na kahihinatnan at bawat mamamayan ng Virginia ay karapat-dapat sa patas at pantay na pagkakataong magkaroon ng tirahan.”Naglabas ang Tanggapan ng Pangkalahatang Piskal ng mga karagdagang detalye tungkol sa kaso at sa mga kaloob na ibinigay sa mga pamilya. Basahin ang buong anunsyo.