Maryland MVA — MD

Inanunsyo ng MVA ang mga Pagsasara para sa Holiday ng Thanksgiving

BABALA SA PAGSASARA PARA SA HOLIDAY: Lahat ng Sangay ng Tanggapan ng MVA at mga Istasyon ng VEIP ay sarado sa Huwebes, Nobyembre 26 para sa Araw ng Thanksgiving.

GLEN BURNIE, MD – Inanunsyo ngayon ng Maryland Department of Transportation Motor Vehicle Administration (MVA) na isasara nito ang lahat ng sangay ng tanggapan at mga full-service na istasyon ng Vehicle Emissions Inspection Program (VEIP) sa Huwebes, Nobyembre 26, 2026, bilang pakikiisa sa Holiday ng Thanksgiving.

Muling magbabalik sa normal na operasyon ang mga sangay ng tanggapan ng MVA at mga istasyon ng VEIP sa Biyernes, Nobyembre 27.

Maaaring mag-iskedyul ng appointment ang mga kustomer sa isang sangay ng MVA o magsagawa ng mahigit 60 transaksyon gamit ang myMVA Online Services accounts – anumang oras, saanman at sa kanilang kaginhawahan. Maaari ding gamitin ng mga kustomer ang mga self-service VEIP kiosk, na magagamit nang 24 oras bawat araw, sa buong weekend ng holiday.