Pulisya ng Estado ng Virginia — VA
ROANOKE – Apat na trooper ng Pulisya ng Estado ng Virginia ang kabilang sa 26 na alagad ng batas na tumanggap ng 2026 Awards for Valor mula sa Samahan ng mga Hepe ng Pulisya sa Virginia. Naganap ang seremonya ng parangal noong Martes, Set. 1, 2026, sa Hotel Roanoke sa Roanoke, Va.
Kinilala ang Trooper ng Estado ng Virginia na si John D. Winebrenner para sa kaniyang mga naging aksiyon sa isang pagtugis na naganap noong Dis. 29, 2025. Rumesponde si Trooper Winebrenner sa isang tawag matapos magkaroon ng pagtugis na kinasangkutan ng mga kinatawan ng Sheriff ng Pittsylvania County. Pinaghahanap ng tanggapan ng sheriff ang drayber para sa tatlong bilang ng pagbabanta gamit ang baril at isang bilang ng pagtataglay ng baril ng isang nahatulang kriminal. Nag-ugat ang mga kaso sa isang naunang insidente kung saan ang suspek, na armado ng riple, ay nagbanta sa isang kilalang babae. Sa gitna ng pagtugis ng mga kinatawan sa pinaghahanap na suspek, naaksidente ang isang kinatawan at nawala sa paningin ng mga alagad ng batas ang suspek.
Nang matagpuan ni Trooper Winebrenner ang sasakyan, binuksan niya ang mga kagamitang pang-emerhensiya ng kaniyang sasakyan at sinubukang magsagawa ng pagpapahinto sa trapiko. Gayunpaman, hindi huminto ang suspek at sumiklab ang isang pagtugis.Sa kasagsagan ng paghabol, na nagpatuloy sa mga kalyeng pambaryo, matagumpay na napahinto ni Trooper Winebrenner ang sasakyan ng suspek. Umiikot na lumihis sa kalsada ang sasakyan ng suspek at bumangga sa isang bakod habang ang sasakyan naman ni Trooper Winebrenner ay huminto nang patayo sa tapat ng pinto ng tsuper ng sasakyan ng suspek. Matapos huminto ng parehong sasakyan, biglang nagpaputok ang pinaghahanap na suspek gamit ang isang semi-automatic rifle mula sa malapitang distansya patungo sa loob ng sasakyan ni Trooper Winebrenner habang siya ay nasa loob pa.
Binunot ni Trooper Winebrenner ang kanyang pistola at gumanti ng putok habang mabilis na lumalabas ng kanyang sasakyan at nakikipagpalitan ng putok sa suspek, na patuloy namang nagpaulan ng mga bala sa sasakyan ng Pulisya ng Estado at kay Trooper Winebrenner. Sa gitna ng sunod-sunod na putok na nakatutok kay Trooper Winebrenner, nagtamo siya ng tama ng bala sa kanyang kaliwang braso at mga sugat mula sa shrapnel sa kanyang mukha at ulo.
Dahil sa mabilis na desisyon ni Trooper Winebrenner na lumabas ng kanyang sasakyan, at sa kanyang kahusayan sa paghawak ng baril, nagawa niyang mapagtagumpayan ang napipintong banta sa kanyang buhay at posibleng napigilan ang kapahamakan sa iba.Ang mga naging aksyon ni Trooper Winebrenner sa insidenteng ito ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa tungkulin, paglilingkod sa komunidad, at kanyang katapangan, na nagpapatunay sa adhikaing “walang ituturing na sakripisyo na napakalaki sa pagtupad ng aking tungkulin” na nakasaad sa panunumpa ng Trooper ng Virginia State Police.
Kinausap at kinilala sina Senior Trooper Pedro Salamanca, Trooper William Keesee, at Trooper Dylan Welsh para sa kanilang mga aksyon sa isang insidente ng barikada sa Roanoke noong Disyembre 1, 2025.
Naganap ang barikada matapos ang isang pagtugis ng Task Force ng U.S. Marshals Service, na nagtatangkang hulihin ang isang marahas na pugante. Tumakas ang suspek mula sa tangkang pagpapahinto, bumangga sa ilang sasakyan ng mga alagad ng batas, at pagkatapos ay iniwan ang kotse sa isang residential neighborhood.
Ilang oras nang nasa loob ng isang tirahan ang suspek nang rumesponde ang Tactical team at gumawa ng maraming pagsisikap upang mapayapang maresolba ang sitwasyon. Nagpakawala ng mga chemical munition sa pagtatangkang pilitin itong sumuko. Pagkatapos ay lumabas ang suspek mula sa isang pintuan at itinutok ang isang baril kay Trooper Dylan Welsh na, sa mga sandaling iyon, ay armado lamang ng isang Taser device.Dahil sa pagkilala sa agaran at nakamamatay na banta sa kanilang kapwa trooper at pagtugon nang walang pag-aalinlangan, hinarap nina Trooper Keesee at Salamanca ang banta gamit ang nakamamatay na puwersa. Ang kanilang mabilis at mapagpasyang mga aksyon ang nagligtas sa buhay ni Trooper Welsh. Kalaunan ay napag-alamang ang baril ng suspek ay ilegal na binago upang makapagpaputok nang sunod-sunod sa isang kalabit lamang. Nagbigay ng paunang lunas sina Trooper Keesee at Salamanca sa suspek hanggang sa dumating ang mga tauhan ng EMS.
Kinikilala ng Award for Valor ang isang alagad ng batas na, habang tumutupad sa tungkulin, ay nagpamalas ng pambihirang kabayanihan habang nakikipaglaban sa isang kalaban sa gitna ng nakaambang panganib sa sariling buhay. Ang parangal na ito ang pinakamataas na karangalang iginagawad ng Virginia Association of Chiefs of Police.
