Proyekto para sa kaligtasan sa Route 23 sa Wise County, sinimulan na
Kamakailan lamang ay sinimulan ng Virginia Department of Transportation (VDOT) at ng kontraktor nito na Jones Road & Bridge, Inc., Abingdon ang isang proyekto sa Route 23 sa Wise County.
Bristol, Va. – Kamakailan lamang ay sinimulan ng Virginia Department of Transportation (VDOT) at ng kontraktor nito na Jones Road & Bridge, Inc., Abingdon ang isang proyekto sa Route 23 sa Wise County.
Pabubutihin ng proyekto ang kaligtasan at daloy ng trapiko sa isang bahagi ng Route 23 malapit sa Indian Mountain Trade Center sa pamamagitan ng paggawa ng ilang lilikuang linya at pag-alis ng dalawang tawiran sa median.
Kabilang sa mga tampok na bahagi ng konstruksiyon ang pagdaragdag ng mga lilikuan pakaliwa patimog at pahilaga sa kanto ng Route 23 at Carriage Lane, isang lilikuang linya pakaliwa patimog sa hilagang pasukan ng Indian Mountain Trade Center, isang lilikuang linya pakanan pahilaga sa trade center, at isang lilikuang linya pakaliwa patimog sa Piggy Went a Smokin' BBQ.
Kasama rin sa bawat lilikuang linya ang paggawa ng lugar kung saan maaaring pumila ang mga sasakyan habang naghihintay lumiko.
Kabilang sa iba pang mga pagbabago ang:
- Isasara ang bukas na median sa kanto ng Route 23 at Dakota Road.
- Hindi papayagan ang pagliko pakaliwa patungo sa Route 23 patimog mula sa mga pasukan ng trade center.Ang mga sasakyang galing sa trade center na patungong Route 23 southbound ay dadaan pahilaga sa Route 23 nang humigit-kumulang .25 milya sa hilaga ng Carriage Lane upang ligtas na mag-U-turn papasok sa Route 23 southbound. Ang bahaging ito ng Route 23 ay dinaraanan ng humigit-kumulang 13,200 sasakyan bawat araw. Sa panahon ng konstruksiyon, dapat asahan ng mga motorista ang mga pagsasara ng linya sa hilaga at timog. Ang kontrata para sa proyekto ay nagkakahalaga ng $4.6 million at inaasahang matatapos ang proyekto sa huling bahagi ng 2025. Iniharap ng VDOT ang proyekto sa publiko sa isang pagdinig ng bayan noong Disyembre 2022.
