Mga pagbabago sa daloy ng trapiko sa Tidewater Drive at Little Creek Road, nakatakda para sa konstruksiyon ng Express Lanes Norfolk Mga pagbabago sa daloy ng trapiko, ipatutupad simula sa gabi ng Nob. 13 NORFOLK — Nakatakdang ipatupad ng mga contractor crew ng Virginia Department of Transportation (VDOT) ang mga pagbabago sa daloy ng trapiko sa susunod na linggo sa Tidewater Drive at Little Creek Road sa Norfolk bilang bahagi ng unang yugto ng mga proyekto sa konstruksiyon para sa Hampton Roads Express Lanes (HREL) Norfolk Segment.
- Sa gabi pa lamang ng Nob. 13, ang trapiko sa magkabilang direksyon sa Tidewater Drive sa may overpass ng I-64 ay ililipat pakanan mula sa loob patungo sa labas ng kalsada.
- Sa gabi pa lamang ng Nob. 14, ang trapiko sa magkabilang direksyon sa Little Creek Road sa may overpass ng I-64 ay ililipat pakanan mula sa loob patungo sa labas ng kalsada. Wala sa dalawang pagbabagong ito ang magdudulot ng pagbawas sa bilang ng mga linyang madaraanan ng mga motorista at tinatayang mananatili ang mga ito hanggang tagsibol ng 2025. Mananatili pa rin ang iba pang epekto sa trapiko na dati nang ipinatupad para sa proyektong ito, kabilang ang:- ang pangmatagalan at ganap na pagsasara ng ramp mula sa patimog na Tidewater Drive patungong I-64 east, na may bagong kaliwang likuan sa Thole Street para makapasok sa I-64 east, na tinatayang mananatili hanggang sa unang bahagi ng 2026.
- ang pagbabawas sa iisang linya para sa mga dumidiretso sa bawat direksyon sa Tidewater Drive sa overpass ng I-64, na tinatayang mananatili hanggang tagsibol ng 2025.
- ang pagbabawas ng trapiko sa dalawang linya para sa mga dumidiretso sa bawat direksyon sa Little Creek Road sa overpass ng I-64, na tinatayang mananatili hanggang tagsibol ng 2025.
- ang pinaikling merge area sa on-ramp ng pahilagang Tidewater Drive patungong I-64 west, na tinatayang mananatili hanggang kalagitnaan ng 2025. Ang gawaing ito ay bahagi ng unang yugto ng mga proyektong pangkonstruksyon sa HREL Norfolk Segment, na nagsimula noong tag-araw ng 2023 at kinabibilangan ng pagpapalit sa kasalukuyang inside shoulder sa kahabaan ng I-64 upang maging isang high-occupancy tolled, part-time shoulder Express Lane na tatakbo sa tabi ng tatlong kasalukuyang pangkalahatang linya sa pagitan ng Patrol Road at Tidewater Drive na may kabuuang 2 milya, pati na rin ang pagpapalapad at pagsasaayos ng ilang umiiral na tulay sa I-64.Ang Bahaging ito ng HREL Norfolk ay magiging bahagi sa kalaunan ng kabuuang tuloy-tuloy na 45-milyang high-occupancy toll Express Lanes network sa I-64, mula sa kanluran ng Denbigh Boulevard sa Newport News hanggang sa I-264/I-664 Bowers Hill interchange sa Chesapeake. Habang patuloy na tumataas ang demand sa trapiko sa rehiyon, ang pagsasama ng dynamic tolling model ng Express Lanes, kasama ng iba pang mga pagpapahusay sa interstate, ay nagbibigay ng karagdagang pamamaraan upang mapangasiwaan ang pagsisikip ng trapiko sa pangmatagalan at makapagbigay ng higit pang mga pagpipilian sa pagbiyahe at isang maaasahang travel network para sa mga motorista ng Hampton Roads. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga proyekto ng Hampton Roads Express Lanes at upang matuto pa tungkol sa mga pinakabagong balita sa konstruksiyon, mga epekto sa trapiko, at upang mag-sign up para makatanggap ng mga update sa proyekto, bisitahin ang 64expresslanes.org.
