Jessica Fitzwater PAMAHALAAN NG FREDERICK COUNTY County Executive

TANGGAPAN NG COUNTY EXECUTIVE

Pahayag sa Media

PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS: SETYEMBRE 1, 2026

Inanunsyo ng County Executive ang $110 Milyong Kasunduan sa Benepisyo ng Komunidad Kaugnay ng Frederick Digital Campus

FREDERICK, Md. – Ngayong araw, inanunsyo ni County Executive Jessica Fitzwater ang isang kasunduan na magbibigay ng $110 milyon na pinondohan ng developer na mga benepisyo para sa mga residente ng Adamstown at Frederick County, at mag-aatas sa Catellus, ang punong tagapagpaunlad ng Frederick Digital Campus, na magsagawa ng mga makabuluhang hakbang upang gawing mas napapanatili ang campus at hindi gaanong umasa sa mga yaman ng County.

Babawasan ng Catellus ang kabuuang sukat (square footage) ng pagpapaunlad ng data center nang halos 20 porsyento, babawasan ang paggamit ng maiinmong tubig nang 80 porsyento, at maglalaan ng 433 ektarya ng nature reserve sa campus.

"Binabawasan ng kasunduang ito ang epekto ng naaprubahan nang pagpapatayo ng data center at tinitiyak ang hindi pa kailanman naganap na pamumuhunan sa komunidad," sabi ni County Executive Fitzwater. "Ito ay isang mahusay at tumutugong pamahalaan. Ito ay pananagutan. Ito ang inaasahan at nararapat para sa mga mamamayan ng Frederick County."

Ang kasunduan sa benepisyo ng komunidad ay direktang magbibigay ng:- $30 milyon para sa mga pagsasaayos sa Carroll Manor Elementary School.

  • $40 milyon para sa isang community center at espasyong panlibangan.
  • $14.5 milyon para sa isang workforce development training center at edukasyong pangkarera at teknikal.
  • $10.5 milyon para sa preserbasyon ng lupang pang-agrikultura.
  • $10 milyon para sa perimeter berming, pagtatanim, at mga daanan (trails).
  • $5 milyon para sa isang proyektong community solar, na magpapababa sa singil sa kuryente ng mga residente ng Adamstown.
  • $1 milyon para sa isang bagong trak ng bumbero para sa Carroll Manor Volunteer Fire Company. Ang mga pamumuhunang ito ay direktang resulta ng huling ulat ng 2024 Data Center Workgroup, mga feedback na ibinigay sa mga community listening session noong unang bahagi ng taong ito, at mga alalahaning ipinahayag ng mga residente sa kabuuan ng pampublikong prosesong ito.

Ang aplikasyon ng Catellus para sa isang Development Rights and Responsibilities Agreement ay nagpapasimula ng isang proseso na magiging bukas sa publiko, malinaw, at may pananagutan sa komunidad.

Frederick County: Mayamang Kasaysayan, Maliwanag na Kinabukasan Winchester Hall ● 12 East Church Street, Frederick, MD 21701 ● 301-600-1100 ● Fax 301-600-1050 www.FrederickCountyMD.govAng aplikasyon, na malinaw na nagtatakda ng mga responsibilidad ng Catellus sa County at sa komunidad, ay makikita online sa www.FrederickCountyMD.gov/DataCenters. Hinihikayat ang komento ng publiko at tatanggapin ito hanggang Setyembre 10.

Ang pahayag ng County Executive ay mapapanood sa YouTube channel ng Frederick County, @FrederickCountyMD.

MAKIPAG-UGNAYAN KAY: Vivian Laxton Direktor Tanggapan ng Komunikasyon at Pakikipag-ugnayan sa Publiko 301-600-1315

Ang Frederick County, Maryland ay hindi nagtatangi batay sa lahi, kulay, relihiyon, bansang pinagmulan, kasarian, edad, katayuan sa pag-aasawa, kapansanan, katayuan sa pamilya, pagkakakilanlang pangkasarian, oryentasyong sekswal, o pinagmumulan ng kita.

Frederick County: Mayamang Kasaysayan, Maliwanag na Kinabukasan Winchester Hall ● 12 East Church Street, Frederick, MD 21701 ● 301-600-1100 ● Fax 301-600-1050 www.FrederickCountyMD.gov