Pinuri ni Gobernador Moore ang Desisyon ng Public Service Commission na Nagpoprotekta sa mga Konsyumer Laban sa Hindi Makatarungang Pagtaas ng Presyo ng Kuryente
ANNAPOLIS, MD – Pinuri ngayon ni Gobernador Moore ang desisyon ng Maryland Public Service Commission na pagbawalan ang Pepco na magtaas ng singil sa masisipag na residente upang pondohan ang hindi maingat na paggastos sa imprastraktura. Sinusuportahan ng naging desisyon ngayong araw ang makasaysayang mga hakbang ng administrasyong Moore-Miller upang protektahan ang mga taga-Maryland laban sa hindi makatwiran at hindi patas na pagtaas ng gastusin sa kuryente.
“Diretsahan, hindi dapat kumita nang labis-labis ang mga utility company habang ang mga karaniwang taga-Maryland ay hindi kayang bayaran ang kanilang mga bayarin sa kuryente,” sabi ni Gob. Moore. “Pinasasalamatan namin ang Public Service Commission ng Maryland sa kanilang naging hatol. Ang balitang ito ay isang malaking tagumpay sa laban ng aming administrasyon na panagutin ang malalaking korporasyon at protektahan ang mga masisipag na pamilya at maliliit na negosyo laban sa sobra-sobra at hindi episyenteng paggastos ng mga utility.”
Kabilang sa iba pang mga aksyon, tinanggihan ng Komisyon ang kahilingan ng Pepco na singilin ang mga konsyumer para sa milyun-milyong dolyar na pamumuhunan sa substation sa usaping ito ng taripa.Sinasalamin ng desisyong ito ang matagal nang inaasahan na dapat suriin ng mga utility ang mga solusyong may pinakamababang gastos upang matugunan ang pangangailangan sa kuryente—kabilang ang mga opsyon tulad ng energy storage, mga virtual power plant, at mga non-wires solution—bago agad lumipat sa magagastos na pagpapalawak ng imprastraktura tulad ng White Flint. Ang mas mababang naaprubahang rate of return ay nangangahulugang mas kaunti ang babayaran ng mga taga-Maryland para sa mga gastusin ng Pepco na inaprubahan ng Komisyon.
“Ang desisyon ng Komisyon ngayong araw ay nagpapanagot sa mga utility. Tulad ng nilinaw ng aming pangkat sa buong rate case na ito, kailangang gawin ng mga utility ang kanilang takdang-aralin upang patunayang makatwiran ang kanilang mga pamumuhunan at hindi nagbabayad ang mga ratepayer para sa mga hindi kailangan at magastos na imprastraktura,” sabi ng Direktor ng Maryland Energy Administration na si Kelly Speakes-Backman. “Ang hindi pagpayag sa White Flint ay nagpapadala ng mensahe sa mga utility na hindi palalagpasin ang walang ingat na paggastos.”
Ang pagkontrol sa paggastos ng mga utility ay isang paraan upang isulong ang abot-kayang enerhiya sa Maryland. Nilagdaan ng Administrasyong Moore-Miller noong Mayo ang Utility RELIEF Act, na naglalaan ng halos $300 milyon na tulong sa enerhiya para sa mga pamilya sa Maryland, humahabol sa $20 milyon/taon na hindi makatwirang mga karagdagang singil ng utility, at direktang nagbabalik ng pera sa mga bulsa ng mga ratepayer.Kasunod ng patuloy na adbokasiya mula kay Gobernador Moore at sa isang koalisyon ng 13 gobernador, ang pagpapalawig ng price cap sa capacity market ng PJM ay nagdulot ng $13.3 bilyong matipid para sa mga nagbabayad ng kuryente sa buong mga estado ng PJM sa capacity auction noong Hulyo pa lamang. At ang kautusang tagapagpaganap ng administrasyon noong Disyembre 2025 na nag-aatas sa mga utility na isaalang-alang ang mga non-wires solution at mga modernong teknolohiya sa transmisyon ay nagtataguyod sa pagpapaunlad ng isang mas moderno, mas abot-kaya, at mas maaasahang grid.
