Mga Alituntunin sa Permit - Mga Serbisyo sa Transportasyon at Pangkapaligiran Mga Pangunahing Alituntunin Anumang trabaho sa o paggamit ng pampublikong daanan (kalsada, landscaping strip [lugar sa pagitan ng bangketa at kalsada], bangketa, pampublikong eskinita) ay nangangailangan ng permit mula sa Mga Serbisyo sa Transportasyon at Pangkapaligiran. Maaaring kabilang dito ang mga aktibidad tulad ng paglalagay ng hagdan at/o scaffolding sa bangketa, pagsasara ng bangketa o lane ng trapiko, paglalagay ng dumpster, trailer, o crane sa bangketa o kalsada, pagtatambak ng mga materyales, paghuhukay, at mga espesyal na kaganapan tulad ng block party, foot race/walk-a-thon, parada/prusisyon. Tingnan ang buong listahan ng mga aktibidad at permit sa ibaba. Ang permit para sa trabaho sa/paggamit ng pampublikong daanan ay dapat i-apply limang (5) araw ng negosyo bago magsimula ang trabaho. Kakailanganin ang isang drawing na nagpapakita ng lokasyon ng trabaho/paggamit at kagamitan, kasama ang isang maintenance of traffic (MOT) plan. Ang mga isinumiteng MOT plan ay dapat na partikular sa trabahong inilarawan sa nauugnay na aplikasyon ng permit. Ang lokasyon ng trabaho at ang MOT ay maaaring pagsamahin sa parehong drawing. Ang MOT plan ay dapat sumunod sa mga kinakailangan ng kasalukuyang bersyon ng Virginia Work Area Protection Manual at ng Virginia De