Ang artikulong ito ay nagbibigay ng impormasyon kung paano mag-aplay para sa isang Bagong Lisensya sa Universal Licensing System (ULS). Mga Hakbang sa Pag-aplay para sa Bagong Lisensya sa ULS

  • Sa kaliwang bahagi ng screen, i-click ang Apply for a New License.
  • Mula sa drop down box, piliin ang Radio Service para sa bagong lisensya.
  • I-click ang Continue upang magpatuloy sa aplikasyon.
  • Pirmahan ang iyong aplikasyon at i-click ang Submit Application. Tandaan: Sa pagta-type ng iyong unang pangalan at apelyido sa mga field ng pangalan, pinirmahan mo na ang iyong aplikasyon. Mga FAQ – Pag-aplay para sa Bagong Lisensya sa ULS May babayaran ba akong filing fee? Karamihan sa mga aplikasyon para sa Bagong Lisensya ay nangangailangan ng bayad. Awtomatikong tutukuyin ng ULS kung kinakailangan ang bayad at sasabihin sa iyo ang halaga kapag nakumpleto mo ang iyong aplikasyon. Kung may bayarin, maaari itong bayaran online sa sandaling isumite mo ang iyong aplikasyon. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga bayarin ay makukuha sa Wireless Fees Page. Paano ko malalaman kung natanggap ang aking aplikasyon sa FCC? Lalabas ang mga aplikasyon sa susunod na araw ng negosyo sa ULS Application Search o dalawang araw ng negosyo pagkatapos para sa mga aplikasyong isinampa sa weekend o federal holiday. Ilagay ang file number sa ULS Application Search upang mahanap ang iyong aplikasyon. Paano kung ang drop